HeaderAds

Broadkast

[raw]

[tab_1]
Ang Mga Kaanib sa Iglesia ng Dios Internasyonal o Members Church of God International (MCGI) ay gumagamit ng satellite technology upang dalhin ang kanilang mga programang panrelihiyon sa anim na kontinente ng mundo. Sa pamamagitan ng 24-oras na brodkast ng TV Verdade na pinasimulan noong 2009, inihahatid din ng MCGI ang programang O Caminho Antigo sa mga manonood na Portuges.

Isa pang panibagong breakthrough larangan ng brodkasting ay ang pagpapasimula ng La Verdad TV sa taong 2012, na nagpapalabas ng mga programang panrelihiyon sa Espanyol. Kabilang dito ay ang El Camino Antiguo.

Ang The Old Path, ang bersyon ng Ang Dating Daan sa Ingles, ay may patuloy na brodkast sa pamamagitan ng satellite na mapapanood sa mayor parte ng mga bansa sa Asya, Europa, North America, Africa at Australia.

Ang listahan ng satellite facilities na ginagamit para sa pangangaral ng Evangelio sa buong mundo ay maaaring makita dito:
 

Dream Satellite (TOP CHANNEL)

Channel 10

Monday – Friday

1:45AM TO 4:30PM
5:30PM TO 6:30PM
7:00PM TO 8:00PM
8:15PM TO 12:15AM

[/tab_1]
[tab_2]

Nang unang sumahimpapawid ang Ang Dating Daan, radyo ang naging unang midyum nito ng pangmalawakang brodkast. Taong 1980 nang umere ang 30-minutong programa ni Bro. Eli Soriano sa DWWA.

Matapos ang ilang taong pangangaral sa radyo, nakilahok si Bro. Eli sa isang talakayang pangradyo na pinamagatang “Dis is Manolo and His Genius Family,” kung saan ang mga pastor ng iba’t ibang relihiyon ay nagsilbing mga resource speakers sa naturang programa. Hindi nagtagal at si Bro. Eli na lamang ang natirang resource speaker sa programang ito ni Don Manolo Favis. Sa buong kasaysayan ng programa, si Bro. Eli lamang ang bukod tanging mangangaral na pinagkalooban ni Manolo Favis ng prestihiyosong “Most Outstanding Religious Preacher” award ng mahigit ilang sunod na mga taon.

Ang programang Ang Dating Daan, na ngayon ay nagsasahimpapawid na rin gamit ang telebisyon, ay may simulcast sa pinakamalalaking istasyon ng radyo sa buong bansa. Ilan sa mga istasyong ito ay ang DZRH, Radyo Natin, at marami pang iba. Sa kasalukuyan, may simulcast rin ang Ang Dating Daan sa UNTV Radio La Verdad 1350 kHz sa AM band.

Ang iskedyul ng programang pangradyo ng Ang Dating Daan ay ang sumusunod:

UNTV Radio Tapat at totoo sa serbisyo publiko

Monday – Friday

03:30AM – 04:00AM – Ang Dating Daan
with Bro. Eli Soriano and Kuya Daniel Razon


09:00 AM – 12:00PM – Ang Dating Daan
with Bro. Eli Soriano and Kuya Daniel Razon


12:30 PM – 03:45PM Ang Dating Daan
with Bro. Eli Soriano and Kuya Daniel Razon


08:30 PM – 12:00MN Ang Dating Daan
with Bro. Eli Soriano and Kuya Daniel Razon

 

Saturday

12:00 AM – 5:00AM – Ang Dating Daan
with Bro. Eli Soriano and Kuya Daniel Razon


07:00 AM – 04:00PM – Ang Dating Daan
with Bro. Eli Soriano and Kuya Daniel Razon


06:00 PM – 12:00MN – Ang Dating Daan
with Bro. Eli Soriano and Kuya Daniel Razon

 

Sunday

12:00 AM – 05:00AM – Ang Dating Daan
with Bro. Eli Soriano and Kuya Daniel Razon


07:00 AM – 12:00NN – Ang Dating Daan
with Bro. Eli Soriano and Kuya Daniel Razon


01:00 PM – 05:00PM – Ang Dating Daan
with Bro. Eli Soriano and Kuya Daniel Razon


06:00 PM – 07:00PM – Ang Dating Daan
with Bro. Eli Soriano and Kuya Daniel Razon


08:30 PM – 12:00MN – Ang Dating Daan
with Bro. Eli Soriano and Kuya Daniel Razon

[/tab_2]
[tab_3]
Taong 1999 nang ilunsad sa kauna-unahang pagkakataon ang website ng programang Ang Dating Daan. Nagsilbing online resource ang www.angdatingdaan.org para sa mga tagapanood ng programa para sa mga may access sa Internet. Ang 24-oras na webcast ng Ang Dating Daan ay pinasimulan noong 2000, maging ang simulcast brodkast ng programang pangtelebisyon at ilang segment na ginawa ng Members Church of God International (MCGI).

Taong 2002 naman ng magkamit ang www.angdatingdaan.org parangal na “Most Popular Website of the Year” award mula sa Philippine Web Awards, pruweba ng popularidad nito sa Web.

Tignan lamang ang mga sumusunod na listahan ng opisyal na mga websites ng Members Church of God International kung saan ang 24-oras na brodkast ng mga programa ay mapapanood:

[icon_list style=”star”]

[/icon_list]
[/tab_3]
[tab_4]
Ang programang Ang Dating Daan ay nagpasimula ng pagbo-brodkast sa telebisyon noong 1983 sa IBC-13. Naging instrumental ang telebisyon sa mas maigting na pangangaral dahil sa pinagsamang kapasidad ng midyum na ito na magbigay ng audio at video. Nakita rin ng sambayanang Pilipino ang mukha ni Bro. Eli Soriano na naging popular ang kanyang tinig sa radyo noong pagpapasimula ng 1980. Bagama’t maikli lamang ang programa, unti-unti namang nagtamo si Bro. Eli ng masugid na mga tagapanood, kasama ang mga tagapakinig niya sa kaniyang programa sa radyo at sa pagiging resource person sa programa ni Manolo Favis sa radyong pinamagatang “Dis is Manolo and his Genius Family.”

Nang buksan ni Bro. Eli bilang isang live segment ang tanong at sagot sa www.angdatingdaan.org sa telebisyon, naging regular ang pagpunta ng mga tao sa istudyo kung saan nagbo-brodkast si Bro. Eli ng kaniyang programa sa loob ng ilang taon. Naging tanyag ang segment na ito na pinamagatang “Itanong Mo Kay Soriano, Biblia ang Sasagot,” na nagsilbing daan sa pagbubukas ng isa pang bersyon nito na idinaraos sa malalaking bulwagan sa iba’t ibang parte ng bansa at ngayon, ng buong mundo. Ito ay tinawag na Ang Dating Daan Bible Exposition.

Monday – Friday

12:00AM – 4:00AM
9:00AM – 12:00NN
1:00PM – 3:00PM
8:20PM – 12:00MN


Saturday and Sunday

12:00AM – 4:00AM
6:00AM – 9:00AM
12:00NN – 4:00PM
8:30PM – 9:30PM
11:00PM – 12:00MN


[/tab_4]

[/raw]

2014 Produced by MCGI through the help of ALMIGHTY GOD