May katanungan ka bang hindi masagot ng iyong pastor?

Itanong Mo Kay Soriano, Biblia ang Sasagot!

Bible

Panoorin ang Ang Dating Daan Live nang libre kahit nasaang panig ka ng daigdig para sa mga kasagutang biblikal sa pamamagitan ni Brother Eli Soriano at Brother Daniel Razon. Maaari rin pong tingnan ang mga social media account at YouTube channels ng programa para sa iba pang ongoing live stream.


Sagot ng Biblia


Bible Study


Bible Exposition

Ang Dating Daan YouTube Channel, MCGI Channel

Ang Dating Daan YouTube Channel, May Bagong Pangalan

September 24, 2021

Mula sa pangalan nitong Ang Dating Daan, ang flagship YouTube channel ng Members Church of God International, ay kilala na ngayon bilang MCGI Channel.

BASAHIN ANG BUONG ARTIKULO
MCGI Mass Indoctrination

MCGI Muling Nagbukas ng Mass Indoctrination Sessions; Unang Araw ng Sesyon Napanood sa Halos 50,000 Devices

September 10, 2021
BASAHIN ANG BUONG ARTIKULO

Iba’t Ibang Charity Works ng Ang Dating Daan sa Taong 2020 Daan-Daang Libo ang Natulungan

December 23, 2020
BASAHIN ANG BUONG ARTIKULO
MGA IBA PANG ARTIKULO
Brother Eli Soriano

Bro. Eli Soriano, host ng Ang Dating Daan

 

Kilalang matapang at walang inuurungan pagdating sa paghahayag ng mga katuwiran sa Biblia at ng mga maling doktrina ng iba’t ibang relihiyon, ang award-winning International Evangelist na si Bro. Eli Soriano ang pangunahing host ng programang Ang Dating Daan.

Sa apat na dekadang walang humpay at masikhay na pangangaral ng mga salita ng Dios, si Bro. Eli ang mangangaral na pinakamatagal nang nangangaral sa radyo at telebisyon sa Pilipinas.

Sa kanyang paraan ng pangangaral, na kaiba sa kanino mang pastor sa panahong ito, isa sa dalawang ito ang karaniwang nagiging damdamin ng tao kapag siya ay naririnig: minamahal siya, o, kinaiinisan siya.

Brother Eli Soriano

Bro. Daniel Razon, host ng Ang Dating Daan

 

Beterano sa larangan ng pagbo-brodkast, si Bro. Daniel Razon ang pangunahing katulong ni Bro. Eli sa pagtataguyod ng Ang Dating Daan. Siya ang naging kauna-unahang direktor ng programa samantalang siya ay nasa high school pa lamang. Naging inspirasyon sa kanya si Bro. Eli at ang programa upang maging isang brodkaster.

Tinitingalang pangalan ngayon sa larangan ng pamamahayag at serbisyo publiko sa Pilipinas, si Bro. Daniel ang pinakabatang tumanggap ng prestihiyosong Lifetime Achievement Award ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas.