Hindi napigil ng lumalaganap na pandemya ang pagbabalik-loob sa Dios ng libu-libong kaluluwa sa ginanap na Mass Baptism ng Members Church of God International (MCGI) nitong Biyernes, Setyembre 24, 2021.
Nagsimula ang seremonya dakong ikawalo (8:00) ng umaga sa pamamagitan ng pangkalahatang awitan. Bago ang mismong pagbabautismo ay ipinagpatuloy ng Kapatid na Eli Soriano, sa pamamagitan ng recorded video, ang huling bahagi ng aral tungkol sa bautismo.
Ang pagbabautismo ay karaniwang ginagawa sa Ang Dating Daan Convention Center sa Apalit, Pampanga para sa mga nasa Luzon. Ngunit dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng pamahalaan ng mga health protocol, ito ay pansamantalang isinagawa sa iba’t ibang ADD Coordinating Centers sa rehiyon. Kasabay nito ay ang pagbabautismo rin sa iba’t ibang lokal sa Visayas, Mindanao, at iba’t ibang bansa. Tinitiyak ng MCGI na mahigpit na naipatutupad ang Covid-19 safety protocols sa bawat lugar na pinagdadausan ng bautismo.
Ang Mass Baptism ay ang malawakan at sabayang pagbabautismo na ginagawa sa iba’t ibang lugar ng mga nagnanais maging kaanib sa Iglesia ng Dios. Ang sinomang nagnanais na mabautismuhan ay kinakailangan na nakatapos ng buong sesyon ng doktrina, nasa tamang edad, at sumasampalatayang buo sa mga napakinggang aral ng Panginoong Hesukristo.
Pag-asa sa Gitna ng Pandemya
Mula ng nagpasimula ang quarantine, ang bilang ng mga nababautismuhan tuwing mass baptism ay hindi na bumababa sa 5,000, sa awa at tulong ng Dios. Sa katunayan, noong nakaraang Agosto ay nakapagtala ang MCGI ng mahigit sa 5,000 bagong bautismong kapatid. Bukod pa rito ang mahigit sa 9,000 kaluluwa na nabautismuhan noong nakaraang Marso sa parehong taon — pinakamarami sa kasalukuyan. Nalampasan nito ang naitalang record na mahigit sa 6,000 noong nakaraang taon.
Si Jeanelyn Vidal, 28 taong gulang, dating kaanib sa Iglesia Ni Cristo, ay isa sa mga nabautismuhan nitong nakaraang Mass Baptism. Aniya, namangha siya sa paraan ng pangangaral nina Kapatid na Eli at Kapatid na Daniel Razon.
“Naa-amaze po ako the way siya sumagot sa mga tanong at pawang lahat sa Bible kinukuha. Hindi sumasagot nang walang batayan,” dagdag pa niya.
Isa sa naging dahilan ng pagkaka-anib ni Jeanelyn ay ang kaniyang asawa na nabautismuhan noon lang nakaraang taon.
“Nakapakinig po ako kasi ‘yung asawa ko nakikinig noong ‘di pa po ako kaanib,” kuwento ni Jeanelyn. “Mula po noong naanib ang asawa ko sa Iglesia [ng Dios], nakikinig po ako kasi nakita ko po sa kanya na nagbago [siya].”
Ang panibagong sesyon ng doktrina ay magpapasimulang muli sa ika-11 ng Oktubre, araw ng Lunes. Ito ay maaaring mapakinggan online sa lahat ng official channels at social media accounts ng MCGI.
Para sa mga katanungan, bisitahin lamang ang link o makipag-ugnayan sa mga numerong nasa ibaba:
Bubuksan ngayong Lunes, Oktubre 11, ang panibagong sesyon ng Mass Indoctrination at malugod na nag-iimbita ang Members Church of God International sa pangunguna ni Kapatid na Daniel Razon.