Umabot na sa 430,000 ang subscribers ng MCGI Channel sa YouTube nitong Setyembre 2021, tatlong buwan bago ang ika-labing anim na taon nito sa nasabing social media platform.
Unang nakilala ang MCGI Channel bilang Ang Dating Daan YouTube Channel na binuksan noong Disyembre 27, 2005. Pinasimulan gamitin ni Kapatid na Eli Soriano ang popular na video-sharing and social networking website upang mas maraming tao pa ang marating ng pangangaral ng ebanghelyo.
Hindi naglaon, nagkaroon na rin ng regular na livestreams ng Bible Exposition, Bible Study, at Mass Indoctrination sa naturang channel na napapanood hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba’t ibang bahagi ng mundo at sa iba’t ibang lenggwahe.
Sa bagong pangalan nito na MCGI Channel, mapapanood na rin ang Kristiano Drama at Story of My Faith. Tampok sa bawat episode ng Kristiano Drama ang mga maiiksing kwento na kapupulutan ng aral na nakabatay sa mga talata sa Biblia. Ang Story of My Faith naman ay ang pagsasalaysay at pagsasadula ng mga pangyayari kung paanong ang ilang kapatid sa pananampalataya ay napabilang sa Members Church of God International. Inilalahad nila dito kung paano gumawa ang Dios sa kanilang buhay na nagbunga ng kanilang pagkakilala sa katotohanan.
Bukod dito ay mapapanood din ang mga charity works at iba pang gawain ng Members Church of God International.
Sa kasalukuyan ay mayroon ng 42,005,208 views ang MCGI Channel at ang pinakamaraming views ay ang debate ni Brother Eli Soriano at Pastor Elmer Abuera ng Remnant Israel Yahweh Assembly in Yahshua Messiah (REYA-IYM) na umabot ng 1,888,748 views mula nang i-upload ito noong March 2016.
Para sa mga kaalaman tungkol sa Biblia, pagpapatibay ng pananampalataya at mga gabay sa buhay at sa pagiging isang tunay na Kristiyano, bisitahin ang MCGI Channel at mag-Like, Share, at Subscribe.
Bubuksan ngayong Lunes, Oktubre 11, ang panibagong sesyon ng Mass Indoctrination at malugod na nag-iimbita ang Members Church of God International sa pangunguna ni Kapatid na Daniel Razon.