Binuksan nitong Setyembre 6 ang panibagong sesyon ng Mass Indoctrination ng Members Church of God International (MCGI) kung saan halos 50,000 na mga computer at smartphone ang kumonekta sa livestream.
Ang Mass Indoctrination ay serye ng mga pag-aaral ng doktrina ng Panginoong Jesucristo. At gaya ng anyaya ni Kapatid na Daniel Razon, Lingkod ng MCGI, ito ay para sa lahat ng mga nagnanais na magsuri ng mga katwiran at katotohanan sa Biblia.
“Hindi naman po nangangahulugan na meron kayong obligasyon sa amin na umanib sa aming samahan, kungdi ang amin ay maibahagi ang aming pananampalataya,” pahayag ni Kapatid na Daniel sa pag-uumpisa ng pagdodoktrina.
#PureDoctrinesOfChrist at #BiblicalDoctrinesDay1 Nag-trending sa Twitter
Umani ng suporta mula sa mga netizen ang ginawang unang araw ng Mass Indoctrination. Nag-trending sa una at ikalawang spots ng Philippine Trends sa Twitter ang official hashtags ng event na #PureDoctrinesOfChrist at #BiblicalDoctrinesDay1. Umabot sa mahigit 70,000 tweets ang naitala sa bawat hashtag.
Pasok din sa trends’ list ang iba pang mga salitang kaugnay sa Mass Indoctrination na ginamit ng netizens sa kanilang tweets gaya ng Biblia, Cristo, at Iglesia.
MCGI Mass Indoctrination Napapanood sa 26 Wika
Sa pamamagitan ng recorded tape, napapakinggan sa livestream si Kapatid na Eli Soriano sa pagtuturo ng mga doktrina ng Panginoong Jesucristo na istriktong nakasulat sa Biblia.
“Magmumula sa gabing ito hanggang sa mga darating na gabi, inaanyayahan ko po kayo personal. Makita n’yo, mga kababayan, ang pagkukumpara ng mga bagay-bagay para tayo makarating doon sa isang tamang konklusyon na ang ginagamit lang ay Biblia,” anyaya ni Bro. Eli sa pagbubukas ng pag-aaral ng doktrina.
Ang MCGI Mass Indoctrination ay isinasagawa mula Lunes hanggang Biyernes sa loob ng tatlong linggo, at ang bawat sesyon ay tumatakbo ng isa’t kalahati hanggang dalawang oras.
Ang pagdodoktrina ay napapanood sa 18 wika: Tagalog, English, Portuguese, Spanish, Italian, French, German, Japanese, Chinese, Korean, Bahasa Melayu, Nepali, Hindi, Sinhala, Ewe, Twi, Swahili, at Tok Pisin. Maaari rin itong mapanood sa walong dayalekto kabilang ang Ilocano, Pampango, Pangasinense, Hiligaynon, Bicolano, Cebuano, Waray, at Chavacano.
Para sa mga katanungan patungkol sa pagdodoktrina o sa MCGI, makipag-ugnayan lamang sa mga sumusunod na numero:
Bubuksan ngayong Lunes, Oktubre 11, ang panibagong sesyon ng Mass Indoctrination at malugod na nag-iimbita ang Members Church of God International sa pangunguna ni Kapatid na Daniel Razon.