Panibagong Sesyon ng MCGI Mass Indoctrination Magsisimula na sa Lunes

October 10, 2021
MCGI Mass Indoctrination

Kasunod ng matagumpay na pagdodoktrina nitong nakalipas na buwan, muling nag-aanyaya ang Members Church of God International (MCGI) sa pangunguna ni Kapatid na Daniel Razon para sa panibagong serye ng online Mass Indoctrination ngayong Oktubre.

MCGI Mass Indoctrination Schedule
Patuloy na naipaglilingkod ng MCGI ang mga aral ng Dios sa Biblia 
sa kabila ng pandemya sa pamamagitan ng internet.

Hindi pa man bumabalik sa normal ang pamumuhay sa maraming bansa, tuluy-tuloy pa rin ang MCGI sa gawain nitong pagpapalaganap ng doktrina ng Dios. Kaalinsabay ng pagsunod sa mga patakaran ng pamahalaan hinggil sa mass gatherings ay ang tungkuling maipaglingkod ang mga banal na aral gamit pa rin ang internet.

Pangunahin sa MCGI Channel sa YouTube, sabayan pa ring matutunghayan ang Mass Indoctrination sa iba pang MCGI official accounts sa Facebook, Twitter, at Instagram. Kabilang dito ang iba pang mga YouTube channel na isinalin sa ibang wika at dayalekto.

https://www.youtube.com/watch?v=p8D5OJD4r10
Ang malugod na paanyaya ni Kapatid na Daniel Razon para sa pagbubukas ng Mass Indoctrination.

Tunghayan ang MCGI Mass Indoctrination tuwing ika-7 ng gabi, oras sa Pilipinas, Lunes hanggang Biyernes sa lahat ng social media accounts ng MCGI, Ang Dating Daan at The Old Path. Para sa anumang katanungan at karagdagang impormasyon,  makipag-ugnayan lamang sa mga opisyal na contact information ng MCGI.

Isinulat ni Tin Llauderes

Mga Balita

MGA IBA PANG ARTIKULO