1. Paano maging miyembro ng Ang Dating Daan? Ang “Ang Dating Daan” ay ang programa sa radyo at telebisyon ng samahang Members Church of God International o MCGI. Ito ang aaniban ng isang nagnanais mapabilang sa tunay na iglesia sa Biblia na siyang kinaaniban ng mga kaanib sa Iglesia ng Dios Internasyonal. Upang maging miyembro ng samahan, kinakailangang makinig sa mga pangunahing doktrina ng Panginoong Jesucristo, at kung sampalatayanan ang mga ito ay maaari nang magpabautismo upang maging ganap na kaanib sa Iglesia ng Dios.
2. Ano ang pagdodoktrina? Ang pagdodoktrina ay isang serye ng pag-aaral ng mga katuruan ng ating Panginoong Jesucristo. Dito itinuturo kung papaano nararapat mamuhay ang isang tao bilang Kristiano at bilang lingkod ng Dios at ng Panginoong Jesucristo. Ang malawakan at sabayang pagdodoktrina sa iba’t ibang lugar ay tinatawag na Mass Indoctrination. Nguni’t maaari ring makapagpadoktrina ang isang sinomang nais umanib sa samahan sa kanilang sariling schedule. Mangyari po lamang na makipag-ugnayan sa amin para sa kaukulang gabay. Bawat sesyon ng pagdodoktrina ay nasa isa’t kalahati hanggang dalawang oras lamang. Ang pagtalakay ng mga paksang aralin ay maaaring matapos sa loob ng 10 hanggang 15 sesyon.
3. Maaari ba akong magpa-iskedyul ng pagdodoktrina sa ibang oras at araw kung hindi ako makadadalo sa regular schedules? Opo. Mangyari po lamang na makipag-ugnayan sa amin para sa kaukulang gabay.
4. Ano ang mga kinakailangan upang mabautismuhan? Kailangang natapos nang buo ang pagdodoktrina, nasa tamang edad, at sumasampalatayang buo sa mga napakinggang doktrina ng ating Panginoong Jesucristo.
5. Saan maaaring dumalo ng pagdodoktrina? Ang Mass Indoctrination ay karaniwang isinasagawa sa mga Ang Dating Daan Coordinating Center sa Pilipinas at sa ibang bansa. Nguni’t bilang pagsunod na rin sa mga alintuntunin ng mga pamahalaan sa iba’t ibang dako, ito ay mapapanood ng live sa inyong mga tahanan sa pamamagitan ng internet. Bisitahin lamang po ang official website at social media accounts ng Ang Dating Daan: Facebook: facebook.com/AngDatingDaanTV Twitter:twitter.com/AngDatingDaanTV YouTube: youtube.com/mcgichannel Instagram: instagram.com/angdatingdaantv
6. Maaari ba akong makinig lang ng doktrina at hindi magpabautismo? Opo. Ang pakikinig ng doktrina ay bukas sa lahat ng ating mga kapwa tao na nag-iibig makaalam ng mga banal na doktrina ng ating Panginoong Hesus. Ang pagpapa-bautismo ay hindi sapilitan kundi ayon sa kalooban ng tatanggap nito.
7. Mayroon ba kayong pagba-bautismo sa mga nasa ibang bansa? Mayroon po. Maaari ninyo po kaming i-email sa info@mcgi.org o i-chat po kami sa aming Facebook page sa pamamagitan ng pag-click sa link na ito: m.me/AngDatingDaanTV.
1. Saan ko makikita ang address ng pinakamalapit na Ang Dating Daan Coordinating Center sa aming lugar? Para po sa kaukulang impormasyon patungkol sa pinakamalapit na coordinating center sa inyong lugar, maaari ninyo pong i-text o tawagan ang MCGI Call Center: Globe - 0915 189 7007 Smart - 0918 438 8988 Sun - 0943 411 8001
2. Paano malalaman ang address ng Ang Dating Daan Coordinating Center sa ibang bansa? Maaari ninyo po kaming i-email sa info@mcgi.org o i-chat po kami sa aming Facebook page sa pamamagitan ng pag-click sa link na ito: m.me/AngDatingDaanTV.
1. Paano po ako makakapag-request ng libreng Biblia? Sagutan po lamang ang form na ito https://bit.ly/FreeBibleRequest upang mapadalhan namin kayo ng libreng Biblia. Maaari rin ninyo po kaming i-email sa info@mcgi.org o i-chat po kami sa aming Facebook page sa pamamagitan ng pag-click sa link na ito: m.me/AngDatingDaanTV.
1. Anu-ano ang mga public service at charity works na ginagawa ng Ang Dating Daan? Ang ilan sa mga serbisyo publiko na regular na isinasagawa ng MCGI at UNTV sa pamamagitan ng programang Ang Dating Daan ay ang medical mission, pagbibigay ng libreng gamot, libreng legal assistance, libreng edukasyon, at libreng sakay sa bus. Aktibo din ang programa sa mga rescue at relief operation sa loob at labas ng bansa. Sa pamamagitan ng MCGI, ilang bahay-ampunan din ang naitayo upang kumupkop sa mga bata at matatandang abandonado.
2. Maaari ba akong humingi ng tulong sa Ang Dating Daan kahit hindi ako miyembro ng MCGI? Anomang lahi o relihiyon, taos-puso pong tinutulungan ng Ang Dating Daan.
3. Maaari ba akong mag-abot ng tulong para sa mga kababayan nating mahihirap sa pamamagitan ng Ang Dating Daan? Maaari po kayong makipag-ugnayan sa aming affiliate charity foundation, ang Kamanggagawa Foundation, Inc., sa tulong na nais ninyong ibigay.