Tanong:
Ayon sa Biblia, ano ang dapat sundin ukol sa pagibig, puso o isip?
Bro. Eli Soriano:
Biblically speaking, if you want it Biblical, babasahin ko sa iyo ang Mateo 15:19. Pakinggan mo.
Sis. Luz Cruz:
Mateo 15:19
“Sapagka’t sa puso nanggagaling ang masasamang pagiisip, mga pagpatay, mga pangangalunya, pakikiapid, mga pagnanakaw, mga pagsaksi sa di katotohanan, mga pamumusong:”
Bro. Eli Soriano:
Sa puso nanggagaling. Pati isip nga sa puso nanggagaling. Kaya nga tingnan mo, laging nakakapanaig ang puso kaysa sa isip. Kasi mismong isip sa puso nanggagaling iyon sabi ng Biblia. Mali ang paniniwala ng iba na mas mataas ang isip kaysa sa puso dahil mas mababa ang puso, mali ang notion na iyon.
Unang-una bigyan kita ng pag-iisipan, kapatid. Ayon sa Panginoong Jesucristo na Siya’y authority kasi kasama Siyang lumalang sa tao.
Ang salita ni Cristong, “…puso nanggagaling ang masasamang pagiisip,”
Totoo iyon, kasi Siya ang authority kasama Siya sa paglalang ng tao. Pati nga ang pagpatay sa puso rin nanggagaling iyon at ang pangangalunya sa puso rin nanggagaling iyon. It is heart that dictates our actions. Ang puso iyon. Ang isip, sa puso rin iyon. Kaya may taong masama ang isip kasi masama ang puso. It follows, pagka masama ang puso mo, masama rin ang isip mo. Pakinggan mo sa Lucas 6:45 -
Sis. Luz Cruz:
Lucas 6:45
“Ang mabuting tao ay kumukuha ng kagalingan sa mabubuting kayamanan ng kaniyang puso; at ang masamang tao’y kumukuha ng kasamaan sa masamang kayamanan:”
Bro. Eli Soriano:
Kita mo?
“Ang mabuting tao ay kumukuha ng kagalingan sa mabubuting kayamanan ng kaniyang puso; at ang masamang tao’y kumukuha ng kasamaan sa masamang kayamanan:”
Therefore, it is the heart that is the root of all actions that is being done by man. Lahat ng kaniyang ginagawa, salita, gawa, pagtingin, nanggagaling iyan sa puso, Sister Luz.
Sis. Luz Cruz:
Totoo po iyon, Bro. Eli.
Bro. Eli Soriano:
Ang kilos ng kaniyang kamay galing iyan sa puso. Kung Biblical ang gusto mo, tinatanong mo kasi Biblically speaking, and I want to be real Biblical to you. Kasi ganoon ang mga gusto kong tanong, ang gusto nila Bilblical. Kasi mayroong mga kung minsan scientific, scientific mo rin sasagutin, di ba, Sister Luz?
Sis. Luz Cruz:
Opo
Bro. Eli Soriano:
Pero pagka sinabing Biblical, ang patunay nga na totoo ang sinasabi ni Cristo, kapatid. Ang sabi kasi ni Cristo –
“…sa puso nanggagaling ang masasamang pagiisip, mga pagpatay, mga pangangalunya, pakikiapid, mga pagnanakaw,”
Galing sa puso iyan, pati pagsaksi sa di katotohanan, hindi ba ganoon, Kapatid na Josel? Sa puso nanggagaling yan. Ang tao kahit hindi mo po nakikita ang puso, pagka nakita mo na ang ginagawa, nahahayag na sa iyo kung anong klaseng puso mayroon ang tao na iyon. Ganoon iyan, kapatid.