Bakit may mga panalanging hindi natutupad?

Tanong:

Bakit may mga panalanging hindi natutupad?

Bro. Eli Soriano:

Unang-una, kailangan mong maintindihan na God is not under our power. We are under God’s power. Hindi komo nanalangin tayo, paghingi mo agag-agad ay may obligasyon Siyang bigyan ka agad. Although, nagaganap iyon na kapag kailangang-kailangan mo na, ibibigay sa iyo ng Dios. Pero kung halimbawa, hindi binibigay sa iyo, mag-iisip ka sa Biblia, “Bakit kaya hindi binibigay?” Maraming dahilan. Isang dahilan, hindi pa panahon. Isang dahilan iyon. Basahin natin ang II Corinto 6:2. 

Bro. Daniel Razon:

II Corinto 6:2. 

“(Sapagka’t sinasabi niya, Sa panahong ukol kita’y pinakinggan, At sa araw ng pagliligtas kita’y sinaklolohan...”

Bro. Eli Soriano:

Sabi ng Dios… Dapat maintindihan natin ang Dios. Kung minsan, hindi natin iniintindi ang Dios. Sabi ng Dios, “…sinasabi niya,” ang Dios ang may sabi, “Sa panahong ukol kita’y pinakinggan,” Ang Dios pala, may panahong ukol. Hindi Siya puwedeng pabigla-bigla na kahit hindi panahon. Halimbawa, “Gusto ko na pong mag-asawa, tatay.” May gatas pa ang labi mo, gusto mo ng mag-asawa. Parang mga bata ngayon, 13 anyos, 12 anyos ay umaalembong na, gusto na ng lalaki. Wala pa, hindi pa sa panahon iyon. Hindi pa dapat. Parang ganoon. Ikaw man, ang anak mo, ang sabi, “Nanay, mahal ko po si Fred. Nanay, sige na, payagan ninyo na ako. Nanay, mahal na mahal ko po si Fred.” Alam mo namang hindi pa panahong ukol, papayag ka ba? Basahin natin ang I Corinto 7:36.

Bro. Daniel Razon:

I Corinto 7:36.

“Nguni’t kung iniisip ng sinomang lalake na hindi siya gumagawa ng marapat sa kaniyang anak na dalaga, kung ito’y sumapit na sa kaniyang katamtamang gulang, at kung kailangan ay sundin niya ang kaniyang maibigan, hindi siya nagkakasala; bayaang mangagasawa sila.”

Bro. Eli Soriano:

Kita mo, kapatid?  May panahong ukol.. Kung halimbawa, ang anak mo, nagwawala, gustong mag-asawa, pinipigilan mo bata pa, kung sumapit na ang kaniyang katamtamang gulang at kailangang sundin na niya ang kaniyang maibigan, bayaan mo siyang mag-asawa, hindi ka nagkakasala. So, maski magulang, hindi komo hiningi ng anak, ibibigay mo. Halimbawa, humihingi ang anak mo apat na taon, “Nanay, pahinging blade.” Bibigyan mo ba? O kaya, “Nanay, pahingi ngang gasolina saka posporo.” Kahit mag-iiyak, hindi mo bibigyan ng gasolina’t posporo. Alam mong madi-disgrasya siya. Hindi pa panahon. Pero may panahon, kahit na ang gasolina’t posporo ay mapanganib,

may panahon, bibigyan mo ang anak mo ng gasolina’t posporo. Kapag kaya na niya, alam na niya. Ganoon ang Dios, kapatid. Hindi paghingi mo ngayon, nandiyan na agad.

Hindi ganoon. May panahong ukol. At kung minsan, ang dahilan kung bakit kahit ipanalangin mo ang gusto mong pinaplano mo ay hindi nangyayari, kaya pala ganoon, sabi ni Santiago, Santiago 4:3, basahin natin –

Bro. Daniel Razon:

Santiago 4:3

“Kayo’y nagsisihingi, at hindi kayo nagsisitanggap, sapagka’t nagsisihingi kayo ng masama, upang gugulin sa inyong mga kalayawan.”

Bro. Eli Soriano:

Kapag ang hinihingi mo naman ikakasama mo, maaaring magugol mo lang sa kalayawan mo, kahit humingi ka nang humingi, hindi ka bibigyan ng Dios. Ang Dios kasi hindi nagbibigay ng ikasasama. 

Halimbawa, hindi pa panahon para ibigay Niya, baka mapahamak ka lang kung ibibigay Niya, hindi Niya ibibigay sa iyo. Kahit manalangin ka pa nang manalangin, hindi Niya ibibigay sa iyo. Pero kung hindi makakasama sa iyo, ibibigay Niya at kung ukol na sa panahon. Ganoon ang Dios, kapatid. 

Halimbawa, naglilihi ang asawa mo, “Gusto ko ng atis.” Hindi panahon ng atis, kahit magpanangis iyon, wala kang makukuhang atis. Hindi ba? Ganoon lang iyon, may panahon. Kaya hindi agad nangyayari kasi may nakatakdang panahon ang Dios. 

Bro. Daniel Razon:

Eclesiastes 3:1 

“Sa bawa’t bagay ay may kapanahunan, at panahon sa bawa’t panukala sa silong ng langit:”

Bro. Eli Soriano:

Kita mo, kapatid? “Sa bawa’t bagay ay may kapanahunan,” Ang Dios ay nagtatakda ng panahon. Kasi alam Niya na kung kailan panahon ikakabuti. At baka mayroon namang panahon na ikakasama mo. Kaya, hintayin mo ang panahon ng Dios. God has His perfect time for everything.