Tanong:
Kailan ipinanganak ang Panginoong Jesucristo?
Bro. Eli Soriano:
Alam mo, kapatid, walang eksakto sa Biblia na petsang nakasulat, pero mayroong eksaktong panahon, at iyon ay hindi Disyembre. Kasi kapag Disyembre, doon sa lugar na kung saan siya ipinanganak sa Betlehem ng Judea, Nobyembre pa lang, umuulan na ng yelo roon. Kaya kapag Disyembre… Tingnan mo itsura doon sa lugar na iyon, sa Betlehem ng Judea. Ang buong terrain o ang buong kapaligiran, balot na ng yelo kapag December. Makapal na nga. Tingnan mo kung gaano kakapal ang yelo. Makikita mo sa kotseng nakabalot ng yelo. Kapag December ganyan ang sitwasyon sa Betlehem, kung saan ipinanganak si Cristo. Matitiyak nating hindi siya ipinanganak ng Disyembre. Kasi noong ipanganak siya, may ganitong ulat ang Lucas 2:1--
Bro. Daniel Razon:
Lucas 2:1-11
“Nangyari nga nang mga araw na yaon na lumabas ang isang utos mula kay Augusto Cesar, na magpatala ang buong sanglibutan.
Ito ang unang talaang-mamamayan na ginawa nang si Quirinio ay gobernador sa Siria.
At nagsisiparoon ang lahat upang sila’y mangatala, bawa’t isa sa kaniyang sariling bayan.
At si Jose naman ay umahon mula sa Galilea, mula sa bayan ng Nazaret, hanggang sa Judea, sa bayan ni David, na kung tawagi’y Betlehem, sapagka’t siya’y sa angkan at sa lahi ni David;
Upang patala siya pati ni Maria, na magaasawa sa kaniya, na kasalukuyang kagampan.
At nangyari, samantalang sila’y nangaroroon, at naganap ang mga kaarawang dapat siyang manganak.
At kaniyang ipinanganak ang panganay niyang anak na lalake; at ito’y binalot niya ng mga lampin, at inihiga sa isang pasabsaban, sapagka’t wala nang lugar para sa kanila sa tuluyan.
At may mga pastor ng tupa sa lupain ding yaon na nangasa parang, na pinagpupuyatan sa gabi ang kanilang kawan.
At tumayo sa tabi nila ang isang anghel ng Panginoon, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nagliwanag sa palibot nila: at sila'y totoong nangatakot.
At sinabi sa kanila ng anghel, Huwag kayong mangatakot; sapagka’t narito, dinadalhan ko kayo ng mabubuting balita ng malaking kagalakan, na siyang sasa buong bayan:
Sapagka't ipinanganak sa inyo ngayon sa bayan ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo ang Panginoon.”
Bro. Eli Soriano:
Kaya noong ipanganak ang Cristo, hindi Disyembre, kapatid. Kasi may mga pastor noong gabi na iyon, kung kanino ibinalita ng anghel na ipinanganak na si Cristo, mga pastor na nasa parang, pinagpupuyatan sa gabi ang kanilang kawan. Ibig sabihin, nagpapastol sila ng gabi, naglalamay sila sa gabi, pinapakain nila ang kawan nila. Kung Disyembre iyan, paano kang magpapastol, nakalatag na yelo sa Betlehem kapag Disyembre. Nobyembre pa nga lang nag-uumpisa na. Kaya hindi nangyari iyan sa winter. Hindi winter iyan. Ang kanta na ginagawa ng mga tao tungkol sa pasko –
♪ I'm dreaming of a white Christmas
Just like the ones I used to know ♪
Kaya white Christmas kasi nga may yelo. Wala namang yelo noong ipanganak si Cristo dahil may mga pastor sa lupain na iyon, sa lugar kung saan siya ipinanganak, may mga pastor na nagpapastol ng kanilang kawan sa bukid, sa parang. Ibig sabihin hindi Disyembre iyan.
At ang katunayang hindi winter iyan, noong umpisahan natin ang pagbasa, kaya pala napunta si Maria at saka si Jose sa lugar na iyon ng Betlehem, nakatira kasi sila sa Galilea. Bakit sila napunta sa Betlehem? Kasi nag-utos pala ang kataastaasang puno ng emperyo Romano, si Augusto Cesar, na magkaroon ng census ng mga tao. Ang mga tao ngayo’y naglakbay para magpatala sa kanilang mga bayan. Nagse-census, mga lahi, mga pamilya, sini-census para malagyan ng tax, iyon ang layunin ng Roman emperor, magkaroon ng census. Meron ba namang matinong emperador na mag-uutos ng census ng winter, tag-ginaw, tag-lamig o tag-yelo? Siyempre hindi siya mag-uutos ng tag-yelo, mahirap maglakbay ang mga tao kapag may yelo. Mahirap. Madudulas ka sa yelo.
Kasi iyong yelo… Noong napunta ako sa New York, dumating ako roon puro yelo. Masarap palang tapakan ang yelo kapag bagong ulan ang yelo. Hindi ka madudulas, malambot, masarap tapakan. Lulubog ang paa mo. Pero kapag ang yelo’y natapakan na ng iba tapos ikaw ang tatapak, madudulas ka. Kaya nga ginagamitan nila ng sleigh. Iyong sinasabing si Sta. Claus ay may sleigh, may yelo. Kaya pati si Sta. Claus na iyan ay imbento. Hindi totoo iyan. Wala sa Biblia iyan. Iyan ay mga imbento lang na si Cristo raw ay ipinanganak ng December 25. Inaamin naman ng iglesia katolika na iyan ay hindi totoo. Nasa kanilang libro iyan. The Catholic Encyclopedia, kapatid na Luz.
Sis. Luz Cruz:
Ito po iyan:
THE CATHOLIC ENCYCLOPEDIA
Volume 2 page 607
CHRISTMAS
The feast of the Savior’s birth is called Christmas, the Mass of Christ. It is celebrated on December 25 and is one of the main feasts of the liturgical year.
The actual date of the Lord’s birth is unknown, and its commemoration was generally included in the Feast of the Manifestations (Epiphany, January 6) during the first three centuries of the Christian era.
History. In about the year 330, however, the Church in Rome definitely assigned December 25 for the celebration, in order to honor Christ, the Light of the World and the true Sun of Justice. This was the day which had been dedicated in pagan Rome to the feast of the sun god and had been called Birthday of the Unconquered Sun.
Bro. Eli Soriano:
Iyon palang December 25, imbento lang pala ng church in Rome noong 330 AD. Tatlong daang taon nang wala si Cristo noong imbentuhin ng Roma na ang kaniyang birthday ay December 25. Kasi noong mga unang nakaraan, ipinagdiriwang ng iba iyan January, iyong tinatawag na epiphany. Ngayon nakati-katihang ilipat ng December 25, nag-umpisa noong 330 AD. Kaya masasabi ko sa iyo, kapatid, imbento lang iyang paniniwala na ang pasko ay December 25. Hindi puwede sa Biblia iyan. Kasi noong ipanganak si Cristo’y walang yelo, may mga pastor na nagpapakain ng kanilang tupa sa parang. At hindi puwedeng mag-utos ng census ang isang gobernador romano nang winter. Alam niyang mahihirapan ang taong lumabas at maglakbay kapag may yelo.