Tanong:
Kailan at saan mababasa sa Biblia na tayo ay nasa huling araw na?
Bro. Eli Soriano:
Basahin po natin ang Daniel 12:4. Ganito po ang nakasulat -
Sis. Luz Cruz:
Daniel 12:4
“Nguni't ikaw, Oh Daniel, isara mo ang mga salita, at tatakan mo ang aklat, hanggang sa panahon ng kawakasan: marami ang tatakbo ng paroo't parito, at ang kaalaman ay lalago.”
Bro. Eli Soriano:
Iyan po ang sinasabi. Ang panahon ng kawakasan, “...marami ang tatakbo ng paroo't parito, at ang kaalaman ay lalago.” Ngayon po iyon, hindi ba? Malago ang kaalaman, marami na ang tumatakbo ng paroo’t parito. Espirituwal at saka pisikal, marami talaga ang tumatakbo ng paroo’t parito. Mga sasakyang dagat, sasakyang himpapawid, sasakyang lupa. Pati sa outer space maraming paroo’t parito, ‘di ba? Tapos ang kaalaman, “…knowledge shall be increased.” Basahin nga natin sa Ingles iyon -
Daniel 12:4
“But thou, O Daniel, shut up the words, and seal the book, even to the time of the end: many shall run to and fro, and knowledge shall be increased.”
Iyon po ang sabi. Kaya alam natin na itong ating panahon ay panahon na po ng kawakasan. We know that we are living in the time of the end because the prophesied thing to happen in the time of the end is happening before our very eyes. The increase in knowledge and science, in technology, iyan ay mga pruweba, those are proofs that we are living at the time of the end, mga huling araw. Another word or prophecy is in II Timothy 3:1-6 which says -
Sis. Luz Cruz:
II TIMOTEO 3:1-5
“Datapuwa't alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib.
Sapagka't ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang pasalamat, mga walang kabanalan,
Walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti,
Mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios;
Na may anyo ng kabanalan, datapuwa't tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito.”
Bro. Eli Soriano:
Iyan ang mga palatandaan sa Biblia na tayo ay nabubuhay sa mga huling araw. Hindi ba iyan ang nakikita natin ngayon, ang mga binasa po na iyan?