Kailangan ba ng tao ang relihiyon upang maligtas?

Tanong:

Kailangan ba ng tao ang isang relihiyon para maligtas?

Bro. Eli Soriano:

Ang relihiyon, kailangan ng tao para maligtas. Kasi, ang relihiyon, ang kahulugan noon, pagsamba. Kapag sinabi mong hindi kailangan ng relihiyon, para mong sinasabing hindi kailangan ng pagsamba. Ang relihiyon na galing sa salitang Griego, sa Bibliang Griego, na [θρησκεία] (thrace-ki'-ah), ang isang kahulugan noon, pagsamba. Pakilagay mo nga sa screen, Sister Luz.

Sis. Luz Cruz: 

Ito po:

θρησκεία

thrēskeia

thrace-ki'-ah

From a derivative of G2357; ceremonial observance: - religion, worshipping.

Bro. Eli Soriano:

Ang [θρησκεία], ang isang kahulugan noon ay relihiyon o pagsamba. Kapag sinabi mo, hindi kailangan ang relihiyon, hindi mo na kailangan sumamba. Paano ka maliligtas? Kailangan tayong sumamba o maglingkod sa Dios. Sumunod sa mga kautusan. Iyon ang tinatawag na ceremonial observance, pagsunod sa mga palatuntunan ng Dios. Kaya, Biblically speaking, pag-uusap na maka-Biblia, kailangan ang relihiyon. Kaya lang, hindi ang relihiyong inimbento ng tao o itinayo ng tao. Roma 10:3 -

Bro. Daniel Razon:

Roma 10:3

“Sapagka't sa hindi nila pagkaalam ng katuwiran ng Dios, at sa pagsusumakit na maitayo ang sariling kanila, ay hindi sila napasakop sa katuwiran ng Dios.”

Bro. Eli Soriano:

Mayroong mga tao, nagtayo ng kanilang sariling relihiyon. Hindi sila napasakop sa katuwiran ng Dios. Kaya kung kailangan ng relihiyon, ang relihiyong ang Dios ang nagtayo, ang Dios ang nagturo. Pero ang itinayo ng tao, hindi iyon ang kailangan. Kaya ginagawa nila, dinadaan nila sa pilosopiya. Siguro, wala silang tiwala sa relihiyong mismo sila ang gumawa. Pero kapag ang relihiyon, ang kaparaanan noon ay galing sa Dios, hindi mo puwedeng sabihing hindi kailangan iyon. Kailangan iyon sa kaligtasan. 

Ngayon, ang tanong na iyon na, “Kailangan ba ang relihiyon?” Kailangan iyon. Kailangan nating makipag-ugnay sa Dios. Ang kahulugan kasing isa ng relihiyon ay re-lihiyon - muling paguugnay. Kaya nga re-ligio. Sa Latin ay religio - muling paguugnay. Muling pagtatali. Ang tao kasi, nahiwalay sa Dios dahil sa kasalanan. Sinasabi iyan sa Jeremias 5:25 -

Bro. Daniel Razon:

Jeremias 5:25

“Ang inyong mga kasamaan ang nangaghiwalay ng mga bagay na ito, at ang inyong mga kasalanan ang nagsipigil sa inyo ng kabutihan.”

Ang kasalanan ng tao ang naghiwalay sa atin sa Dios. Kaya, komo nahiwalay ang tao sa Dios, kailangan siyang mabalik uli. Magkaroon ng re-lihiyon. Religare, religio o muling pag-uugnay. Kumbaga sa isang termino pa, ay reconciliation o rekonsilasiyon. Iyon ang diwa ng tinatawag na salitang relihiyon. At iyon ay paraan ng Dios ang tunay na relihiyon na dapat nating tanggapin na kailangan natin sa kaligtasan. Basahin natin II Corinto 5:19 -

Bro. Daniel Razon:

II Corinto 5:19

“Sa makatuwid baga'y, na ang Dios kay Cristo ay pinakipagkasundo ang sanglibutan sa kaniya rin, na hindi ibinibilang sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at ipinagkatiwala sa amin ang salita ng pagkakasundo.”

Bro. Eli Soriano:

Mayroong salita ng pagkakasundo. Mayroong word of reconciliation. Basahin mo sa Ingles, Kapatid na Daniel -

Bro. Daniel Razon:

II Corinthians 5:19

To wit, that God was in Christ, reconciling the world unto himself, not imputing their trespasses unto them; and hath committed unto us the word of reconciliation.”

Bro. Eli Soriano:

“…hath committed unto us the word of reconciliation.” “…ang salita ng pagkakasundo.

Para makasundo ulit ng Dios ang tao, na nahiwalay dahil sa kasalanan, kailangan ang word of reconciliation. And that constitutes the true religion in the Bible. Iyon ang bumubuo ng tamang relihiyon sa Biblia. Ang salita ng pagkakasundo na ipinagtiwala ng Dios sa mga alagad, sa mga apostol. Iyon ang ating mababasang aral sa Biblia na magtatali uli sa atin sa Dios. Ibabalik tayo sa Dios kaya religio, religare. Religión sa Kastila. Religare sa Latin, at religio. Tapos, sa Kastila, religión. Sa English, religion. Sa Tagalog, relihiyon din. Pero ang kabuoan niyan, ang aral, pagsamba, pagsunod sa Dios. Kailangan iyan, kapatid. Hindi ilalagay iyan sa Biblia kung hindi kailangan.