Tanong:
Kasalanan bang ipanalangin sa Dios na parusahan ang mga masasamang tao?
Bro. Eli Soriano:
Siguro po kung ikaw ay tunay na sa Dios, hindi naman po masama na ipanalangin sa Dios iyon. Kasi ang mga taong matutuwid, nasa Biblia, ang panalangin nila ipaghiganti sila doon sa kanilang kaapihan. Basahin natin sa Apocalipsis –
Sis. Luz Cruz:
Apocalipsis 6:9
“At nang buksan niya ang ikalimang tatak, ay nakita ko sa ilalim ng dambana ang mga kaluluwa ng mga pinatay dahil sa salita ng Dios, at dahil sa patotoong sumakanila:”
Apocalipsis 6:10
“At sila'y sumigaw ng tinig na malakas, na nagsasabi, Hanggang kailan, Oh Panginoong banal at totoo, hindi mo hahatulan at ipaghihiganti ang aming dugo, sa mga nananahan sa ibabaw ng lupa?”
Bro. Eli Soriano:
Humihingi sila ng paghihiganti sa Dios. Si David nga, ang panalangin sa Dios… Buti nga sa panahong Cristiano, kumbaga medyo pino na. Sa panahon ni David, ang panalangin ni David, “Mangapahiya nawa sila; lipulin Mo sila. Mapuspos sila ng kahihiyan.” Ganoon ang panalangin ni David. Basahin natin ang Awit –
Sis. Luz Cruz:
Awit 83:16
“Lipusin mo ang kanilang mga mukha ng kahihiyan; Upang hanapin nila ang iyong pangalan, Oh Panginoon.”
Awit 83:17
“Mangapahiya sila at manganglupaypay magpakailan man; Oo, mangahiya sila at mangalipol:”
Bro. Eli Soriano:
Iyan panalangin ni David. Kaya lang si Cristo, sa Kaniyang kabutihan, noong Siya ay pinapatay na sa krus, “Ama, patawarin Mo sila,” sabi Niya. Kasi kaya naman Siya humingi ng patawad, kasi hindi naman nila nalalaman ang kanilang ginagawa, ang sabi ni Cristo. So, ito’y mga sinners na ang kanilang paggawa is brought about by their ignorance. Pero pagka talagang garapal na at saka masasamang tao na ay talagang hindi naman siguro masamang humingi ka ng hustisya sa Dios. Ipanalangin mong sila’y parusahan. Hindi naman siguro masama iyon pagka alam na alam mo na talagang garapal na itong mga taong ito. Ang Dios naman ang bahalang mag-assess. Iyan po ang ating masasabi diyan.