Tanong:
Nasa Bibliya ba ang mga tradisyong Katoliko?
Bro. Eli Soriano:
Ikinalulungkot ko iyong sagot ko, kapatid, na baka magdamdam kayo, iyong mahal na araw, iyong araw ng mga patay, iyong pasko, iyong three kings, wala naman sa Biblia lahat iyan. Alam mo, unang unang halimbawa: iyong three kings, wala namang three kings sa Biblia, wala noon. Basahin natin yung dumalaw kay Hesus kung three kings, sa Mateo 2:1 patuloy. Pakinggan mo nakasulat.
Sis. Luz Cruz:
Mateo 2:1-2
“Nang ipanganak nga si Jesus sa Betlehem ng Judea sa mga kaarawan ng haring si Herodes, narito, ang mga Pantas na lalake ay nagsidating sa Jerusalem mula sa silanganan, na nagsisipagsabi,
Saan naroon ang ipinanganak na hari ng mga Judio? sapagka't aming nakita ang kaniyang bituin sa silanganan, at naparito kami upang siya'y sambahin.”
Bro. Eli Soriano:
Ang sabi ng Banal na Kasulatan, nang ipanganak daw ang Panginoong Hesus, mayroong dumating mula sa silanganan, mga pantas na lalake, wise men. Iha, nag-aaral ka ba?
Female Guest:
Opo, Bro.,nag-aaral.
Bro. Eli Soriano:
Nakakabasa ka na siguro ng Ingles, ‘di ba?
Female Guest:
Opo Bro.
Bro. Eli Soriano: Pwede ba ipabasa ko sa iyo 2:1 of Matthew? Pakilagay n’yo nga sa screen sa English.
Female Guest:
Matthew 2:1
“Now when Jesus was born in Bethlehem of Judea in the days of Herod the king, behold, there came wise men from the east to Jerusalem,”
Bro. Eli Soriano:
Sino iyong pumunta sa Jerusalem?
Female Guest:
Wise men po.
Bro. Eli Soriano:
Wise men. May nakalagay bang three?
Female Guest:
Wala po, Bro.
Bro. Eli Soriano:
Awan. Awan. Awan me ti saoc three. Walang salitang three. Walang three. At meron bang nakalagay na king, iha?
Female Guest:
Wala po. Wise men po.
Bro. Eli Soriano:
Wise men. Walang nakalagay na three kings. Walang nakalagay three wise men. Ang nakalagay lang, wise men. Meaning, plural yan, pwede yang four, pwede yang two, pwede yang three, pwede yang five. Bakit? Pero walang nakalagay na three. Basta yan, plural, wise men. Alam mo naman ang conjugation ng ang mga form ng noun ano? Man - singular, men - plural. Woman - singular, women - plural. Ang nakalagay, wise men, ibig sabihin plural. Maaaring two, maaaring three, maaaring four, maaaring five, pero walang nakalagay na three. Agreed?
Female Guest:
Agree po.
Bro. Eli Soriano:
Ngayon, may nakalagay ba sila ay kings?
Female Guest:
Wala po.
Bro. Eli Soriano:
Ngayon tatanungin kita iha. Nagaaral ka sabi mo, di marunong ka na ng logic di ba?
Female Guest:
Opo.
Bro. Eli Soriano:
Marunong ka na ng logic? Heto ngayon tetestingin ko kung marunong ka na ng logic. Ikaw ba papayagan ng tatay mo 12 o’clock in the midnight, lalabas kang mag-isa?
Female Guest:
Hindi po. Sigurado hindi po.
Bro. Eli Soriano:
Bakit?
Female Guest:
Gabi na po at saka babae po ako. Hindi po ano na lumabas ng mga…
Bro. Eli Soriano:
Iyan ang logic! Iyan ang sinasabi kong logic. Hindi ka papalabasin ng tatay mo na mag-isa ng gabi, unang-una, ang logic: babae ka, at ikalawa: gabi na, ikatlo: maraming masamang loob, baka ka ma-rape, ‘di ba ganoon, kapatid?
Female Guest:
Tama po, Bro.
Bro. Eli Soriano:
Ngayon tatanungin kita? Kung ikaw ay hari ng isang kaharian. Hari ka, hari ka. Lalabas ka bang mag-isa?
Female Guest:
Siyempre, hindi po.
Bro. Eli Soriano:
Iyong mga pinag-haharian mo, papayag ba na ikaw lang mag-isa, maglalakbay kang malayo?
Female Guest:
Sigurado hindi po sila papayag kasi marami po sigurong magtatangka sa buhay ko dahil nga sa hari po ako.
Bro. Eli Soriano:
Ngayon, ngayon kung tatlo kayong hari, lalabas ba kayo, tatlo lang kayo? Pare-pareho kayong hari, lalabas ba kayo, tatlo lang kayo, maglalakbay kayo ng malayo? Tatawid kayo ng mga bundok, mga disyerto, lalakbay ba kayo ng tatatlo lang kayo e pare-pareho kayong hari?
Female Guest:
Hindi rin po.
Bro. Eli Soriano:
Ngayon ganito, kapatid, nakikita mo ba yung Belen?
Female Guest:
Opo.
Bro. Eli Soriano:
Hindi ba ang nasa Belen yung si Jesus, baby Jesus nasa manger ano? Nasa sabsaban. Tapos si San Jose nakatayo may hawak na tungkod, si Santa Maria man nakaupo, tapos mayroon tatlong hari na nakaluhod. Nakikita mo iyon?
Female Guest:
Palagi ko pong nakikita iyon kapag pasko.
Bro. Eli Soriano:
Ngayon ganito, heto logic, kung tatlo kayong hari, kung may kasama ka, kapatid, may kasama kang mga alipin o mga subjects mo, o mga guwardya mo, pag sasambahin mo ba si Jesus, hindi mo sila isasamang sumamba rin?
Female Guest:
Siyempre po isasama ko sila. Si Jesus nga po diba?
Bro. Eli Soriano: Iyon… So, yung dine-depict ng Belen, katangahan iyon. Dapat kasi kung tatlo silang hari, meron silang tig sa-sangpung bodyguard, ang makikita mo sa Belen… Aba, tig sa-sangpu yung bodyguard noong hari, lalabas, thirty three na sila? At saka tatlo si Maria, saka si Jose, saka Jesus, dapat thirty six atleast ang mga nakapaligid doon at sumasamba kay Jesus. Hindi. Unang-una, wala sa Biblia iyong tatlong hari pero pinaniwala kayo na tatlo iyong hari tapos nilagyan pa ng pangalan. Anim na taon nang nakapanhik sa langit si Kristo bago lumabas yung Gaspar, Melchor at Baltazar. Huwag kayong magagalit kasi tinatanong mo ako. Gaya ng Christmas, sabi ninyo si Cristo ipinanganak 25 ng Disyembre kaya Christmas iyon, pero hindi totoong si Cristo ipinanganak ng December, kapatid, kasi noong ipinanganak si Cristo, hindi naman malamig. Hindi malamig noon, walang yelo noon. Alam mo kapag December may yelo, malamig. Lalo na doon sa Bethlehem nagyeyelo roon pagka December. Pakita ko sayo ang Bethlehem kapag December. Iyan sa Bethlehem iyan, merong yelo. Diyan ipinanganak ang Panginoong Hesus, diyan ipinanganak. Kung December ipinanganak, lalabas puro yelo. Noong ipanganak si Cristo, ano ba ang sabi ng Biblia? Pakinggan mo sa Lucas 2:7--
Bro. Daniel Razon:
Lucas 2:7-11
“At kaniyang ipinanganak ang panganay niyang anak na lalake; at ito’y binalot niya ng mga lampin, at inihiga sa isang pasabsaban, sapagka’t wala nang lugar para sa kanila sa tuluyan.
At may mga pastor ng tupa sa lupain ding yaon na nangasa parang, na pinagpupuyatan sa gabi ang kanilang kawan.
At tumayo sa tabi nila ang isang anghel ng Panginoon, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nagliwanag sa palibot nila: at sila'y totoong nangatakot.
At sinabi sa kanila ng anghel, Huwag kayong mangatakot; sapagka’t narito, dinadalhan ko kayo ng mabubuting balita ng malaking kagalakan, na siyang sasa buong bayan:
Sapagka't ipinanganak sa inyo ngayon sa bayan ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo ang Panginoon.”
Bro. Eli Soriano:
So, noong ipanganak ang Kristong Panginoon, mayroong mga pastor nasa parang, sa bukid, at pinagpupuyatan na bantayan iyong kanilang kawan, iyong mga tupa. Alam mo ba, kapatid, kung ano kinakain ng mga tupa?
Female Guest:
Opo. Damo po.
Bro. Eli Soriano:
Damo. Pagka ba nakalatag ang yelo, makakakain ba ng damo iyong tupa?
Female Guest:
Syempre, hindi po.
Bro. Eli Soriano:
Logic iyan. Pagka ba malamig, puro yelo, ikaw ang pastor, ilalabas mo ba iyong mga tupa mo?
Female Guest:
Syempre, hindi po kasi malamig po sa labas.
Bro. Eli Soriano:
Malalamigan kayo. Sisipunin kayo lahat ‘di ba? Ano ibig kong sabihin? Hindi posible. It is not possible na si Cristo ay ipinanganak ng Disyembre kasi winter ang Disyembre sa Bethlehem. So, hindi Siya ipinanganak ng December. Basahin natin ang Catholic Encyclopedia Sis. Luz.
Sis. Luz Cruz:
Ito po ay nasa volume 2, sa page 607 ng Catholic Encyclopedia, ang title “Christmas.”
The feast of the Savior’s birth is called Christmas, the Mass of Christ. It is celebrated on December 25 and is one of the main feasts of the liturgical year.
The actual date of the Lord’s birth is unknown, and its commemoration was generally included in the Feast of the Manifestations (Epiphany, January 6) during the first three centuries of the Christian era.
History: In about the year 330, however, the church in Rome definitely assigned December 25 for the celebration in order to honor Christ, the light of the world and the true Son of Justice. This was the day which had been dedicated in pagan Rome to the feast of the sun god and had been called birthday of the unconquered sun.
Bro. Eli Soriano:
Kita mo, kapatid? Iyan pala’y piyestang pagano, iyang December 25. Pinagdiriwang nila diyan iyong kanilang diosdiosang araw, iyong pagsamba nila sa araw, noong pagan Rome. So, hindi iyan ang talagang kapanganakan ni Cristo. Inaamin ng Catholic Encyclopedia na sa Bible, it is unknown, walang nakalagay na petsa. Sila lang ang naglagay nung 330, in-assign nila December 25 for the celebration, Christmas, which is not Biblical. It is just an invention, so it is not true. Nakita mo kapatid? Kaya iyong karamihan sa ipinagdiriwang ninyo, mga piyesta, wala sa Biblia lahat iyan.