Paano mapapayapa ang kalooban ng isang tao kapag may pagsubok na dumarating? (1/2)

Tanong:

Paano mapapayapa ang kalooban ng isang tao kapag may pagsubok na dumarating?

Bro. Eli Soriano:

Kung mayroon po tayong tunay na Cristo, ang kapayapaan, kahit ano po ang dumating, hindi kayo magiging anxious, hindi kayo magiging parang hindi kayo mapakali, hindi kayo kalmado. Hindi po ganoon ang nararamdaman ng may tunay na Cristo. Let us read Romans 5:1-5 -

Sis. Luz Cruz:

Roma 5:1-5

“Yaman nga na mga inaaring-ganap sa pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo;

Sa pamamagitan din naman niya'y nangagkaroon tayo ng ating pagpasok sa pamamagitan ng pananampalataya sa biyayang ito na diyan ay nagsisilagi tayo; at nangagagalak tayo sa pagasa ng kaluwalhatian ng Dios.

At hindi lamang gayon, kundi naman nangagagalak tayo sa ating mga kapighatian na nalalamang ang kapighatian ay gumagawa ng katiyagaan;”

Bro. Eli Soriano:

Nakita mo iyan, kapatid? Ang sabi ni San Pablo sa mga tunay na Cristiano,  “…mayroon tayong kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo;” At sabi Niya, “Sa pamamagitan ng pananampalataya, nagkaroon tayo ng pagpasok sa biyayang ito.” doon sa kapayapaan. Nagkaroon tayo ng kapayapaan sa pamamagitan ng pananampalataya. 

Roma 5:2

“…na diyan ay nagsisilagi tayo; at nangagagalak tayo sa pagasa ng kaluwalhatian ng Dios.”

Roma 5:3

“At hindi lamang gayon, kundi naman nangagagalak tayo sa ating mga kapighatian…”

Pagka mayroon ka pong tunay na Cristo, kahit na usigin ka, mapighati ka, kung anoman ang dumating sa buhay mo, hindi ka parang natataranta o hindi ka kalmado kasi nasa iyo nga ang kapayapaan, ang Cristo. Kasi ang Cristo po, kapayapaan iyon. Pag mayroon kang Cristo sa buhay, pag dumadating ang tribulation nagagalak ka pa.

 

Bakit ang tanong ninyo, bakit kayo hindi kalmado? Kasi wala po kayong natatanggap na tunay na diwa ng kapayapaan na galing kay Cristo. Basahin po natin ang Juan 14:27 -

Sis. Luz Cruz:

Juan 14:27

“Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo; ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng sanglibutan, ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag magulumihanan ang inyong puso, ni matakot man.”

Bro. Eli Soriano:

Tingnan ninyo, pag may kapayapaan ka, hindi ka magugulumihanan. Hindi ka rin matatakot. Alin ang kapayapaan? “…ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo:” Sabi ni Cristo “…hindi gaya ng ibinibigay ng sanglibutan, ang ibinibigay ko sa inyo.” 

Iyon ang nakikita ko po sa tanong ninyo, kapatid. To be honest and to be frank with you, ang nakikita ko po sa tanong ninyo, mabuti naman inaamin ninyo ang nararamdaman ninyo, na para bang madali kang ma-confuse. “Hindi ako kalmado.” Sabi ng kapatid. “Gusto ko, kalmado ako sa buhay ko.” Wala po kayo talagang nasa inyo na na tunay na Cristo. Hindi naman po kataka-taka. Maraming relihiyon kasi ngayon nangangaral, hindi naman ang tunay na Cristo ang ipinangangaral. Kaya ang natatanggap ng tao, hindi ang tunay na Cristo. Basahin po natin ang II Corinto 11:4 -

Sis. Luz Cruz:

II Corinto 11:4

“Sapagka’t kung yaong paririto ay mangaral ng ibang Jesus, na hindi namin ipinangaral, o kung kayo’y nagsisitanggap ng ibang espiritu na hindi ninyo tinanggap, o ibang evangelio na hindi ninyo tinanggap, ay mabuting pagtiisan ninyo.”

Bro. Eli Soriano:

Mabuti pa, huwag mo nang tanggapin kung ang tatanggapin mo, hindi ang tunay na Cristo. “…kung yaong paririto…” sabi ni Pablo, “…mangaral ng ibang Jesus,” Ako naman nakakatiyak, ang maraming nangangaral ngayon, ang ipinangangaral, ibang Hesus. Hindi naman talaga ang Hesus na ipinangaral ng mga Apostol. Kasi sabi niya -

II Corinto 11:4

“Sapagka’t kung yaong paririto ay mangaral ng ibang Jesus, na hindi namin ipinangaral, o kung kayo’y nagsisitanggap ng ibang espiritu na hindi ninyo tinanggap, o ibang evangelio na hindi ninyo tinanggap, ay mabuting pagtiisan ninyo.”

Huwag ninyo nang tanggapin. Iyon ang ikinalulungkot ko. Natuto ang mga tao ng wala sa Biblia, ng imbento, mga terminolohiya na labag sa diwa ng Biblia. Remember that the word of God contains spirit in them. As the Lord Jesus Christ said in John 6:63 -

John 6:63

“It is the spirit that quickeneth; the flesh profiteth nothing: the words that I speak unto you, they are spirit, and they are life.”

So the words and the teachings of the Lord Jesus Christ contain spirit in them. Now, ikinalulungkot ko, baka makasakit ako ng damdamin, but it is the truth that is in the Bible. Kaya ang sagot ko sa iyo, kapatid, kung gusto mong makakita ng tunay na kapayapaan, you have to learn first the true Christ of the Bible. Mayroon kasing tunay na Cristo at mayroong bulaang Cristo, lalo na sa ating panahon. Mateo 24:24, Kapatid na Luz -

Sis. Luz Cruz:

Mateo 24:24

“Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang.”

Bro. Eli Soriano:

Maraming nagliligaw lang. Mga bulaang Cristo.

Matthew 24:24

“For there shall arise false Christs, and false prophets…” 

False prophets and false Christs. Napakarami po. Diyan sa Amerika, ang dami diyan. Wala naman kasing totoo na mag-uumpisa sa Amerika. Kung Biblia ang ating pag-uusapan, may direksiyon po ng panggagalingan ang totoo. Walang totoo na mag-uumpisa sa kanluran, sapagkat ang totoo, mag-uumpisa sa silangan. Let us read, Malachi 1:11, Brother Daniel.

Bro. Daniel Razon:

Malachi 1:11

“For from the rising of the sun even unto the going down of the same my name shall be great among the Gentiles; and in every place incense shall be offered unto my name, and a pure offering: for my name shall be great among the heathen, saith the LORD of hosts.”

Bro. Eli Soriano:

…from the rising of the sun…” Let us read that in Tagalog, Sister Luz…

Sis. Luz Cruz:

Malakias 1:11

“Sapagka't mula sa sinisikatan ng araw hanggang sa nilulubugan niyaon, magiging dakila ang aking pangalan sa mga Gentil; at sa bawa't dako ay paghahandugan ng kamangyan ang aking pangalan, at ng dalisay na handog: sapagka't ang aking pangalan ay magiging dakila sa gitna ng mga Gentil, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.”

Bro. Eli Soriano:

Nakita ninyo, kapatid? Mag-uumpisa sa sinisikatan ng araw, sa dako ng mga Gentil sa sinisikatan ng araw. Kaya ang tunay na pagkakilala sa Dios, mag-uumpisa sa silangan. Hindi doon sa kanluran mag-uumpisa tapos magpupunta sa silangan, baliktad. Wala tayong kamalay-malay, sa Biblia, may direksiyon ang katotohanan. At ang direksiyon, mag-uumpisa sa sinisikatan ng araw. Doon unang magkakaroon ng mga taong kikilala ng tunay na pagkakilala sa Dios. Zacarias 8:7…

Sis. Luz Cruz:

Zacarias 8:7

“Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking ililigtas ang aking bayan sa lupaing silanganan at sa lupaing kalunuran;”

Bro. Eli Soriano:

Bago dumating sa kalunuran, sa silangan muna. Gaya lang ng pagsikat ng araw, nag-uumpisa sa silanganan papunta sa kalunuran. Ganoon ang pagsilang ng katotohanan sa mundong ito. Mag-uumpisa sa silangan, mula sa sinisikatan ng araw. Pagkatapos, hanggang sa nilulubugan niyaon. “…ang aking pangalan ay magiging dakila sa gitna ng mga Gentil,” 

Alam ninyo, mga kapatid, kung magbabasa tayo ng Biblia, one thing we have to notice is the order of preference. That is very important. Napakahalagang detalye noon sa Biblia. Pag nagbabasa tayo ng Biblia, one thing we must always consider is the order of God’s preference. Ano ibig kong sabihin? “Nilalang ang tao. Lalaki at babae.” Sino unang nilalang? Ang nilalang na una si Adan bago nilalang si Eba. May ibig sabihin ba iyon? Basahin natin ang I Timoteo 2:11 -

Sis. Luz Cruz:

I Timoteo 2:11-13

“Ang babae'y magaral na tumahimik na may buong pagkapasakop.

Nguni't hindi ko ipinahihintulot na ang babae ay magturo, ni magkaroon ng pamumuno sa lalake, kundi tumahimik.

Sapagka't si Adam ay siyang unang nilalang, saka si Eva;”

Bro. Eli Soriano:

Kaya naman pala unang nilalang si Adan, para siya ang maging puno ni Eba. Hindi puwedeng si Eba ang maging puno ni Adan. Bakit naman ang unang binabanggit pagka tungkol sa kaligtasan, unang binabanggit ay silanganan? Kasi doon talaga mag-uumpisa ang totoo. Hindi sa kalunuran. Kaya nga pag-aralan mo lahat ng relihiyon at iglesiang nanggaling sa kalunuran o sa west, katakut-takot puro mali, kasi wala sa direksiyon ng hula. At ang hula, hindi lang direksiyon ang sinasabi, mga kapatid, pati panahon mayroon. Mayroong time element at mayroong direksiyon ang hula kung papaano makikilala ng mundo ang totoo. Pati ang panahon mayroon. Ako kasi, alam ko ang sinasabi ko. I know what I am talking about. I know my God and my God knows me. Ayoko lang magyabang, pero masasabi ko sa iyo, kapatid, nagsasabi ako ng totoo sapagka’t ang sinasabi ko ay nakasulat sa Biblia.