Paano naging Dios si Jesucristo gayong Siya ang nagsabing Siya’y tao sa Juan 8:40? (1/2)

Tanong: 

Paano naging Dios si Jesuscristo gayong Siya mismo ang nagsabing Siya'y tao sa Juan 8:40 (Part 1 of 2)

Bro. Eli Soriano:

Mayron din Siyang sinabi sa Awit 22:6. Pakinggan mo ha--

Bro. Rolan Ocampo:

Awit 22:6

“Nguni't ako'y uod at hindi tao; Duwahagi sa mga tao, at hinamak ng bayan.”

Bro. Eli Soriano:

Sabi Niya hindi Siya tao, uod naman Siya diyan. Sabi Niya, “Ako'y uod at hindi tao”. Anong ginawa nila sa Kaniya? Bakit Niya sinabing uod Siya at hindi tao? Sa 16--

Bro. Rolan Ocampo:

Awit 22:16-17

“Sapagka't niligid ako ng mga aso: kinulong ako ng pulutong ng mga manggagawa ng masama: Binutasan nila ang aking mga kamay at ang aking mga paa.”

Hinapak nila ang aking mga kasuotan sa gitna nila, At kanilang pinagsapalaran ang aking kasuutan.”

Bro. Eli Soriano:

Si Kristo iyan eh, sabi Niya, “Ako ika’y  uod at hindi tao, Binutasan nila ang kamay 

Ko at saka ang Aking paa tapos kinulong Ako ng mga manggagawa ng masama: hinapak nila ang Aking kasuotan at  kanilang ipinagsapalaran“. Diyan lumalabas hindi naman Siya tao, uod naman Siya riyan. Doon naman sa kabila,mayroon Siyang sinabi, pakinggan mo ha--

Bro. Rolan Ocampo:

Juan 8:12

“Muli ngang nagsalita sa kanila si Jesus, na sinasabi,Ako ang ilaw ng sanglibutan:...”

Bro. Eli Soriano:

Sabi Niya, diyan naman ilaw naman Siya. Tapos doon naman sa Juan 6--

Bro. Rolan Ocampo:

Juan 6:51

“Ako ang tinapay na buhay na  bumabang galing sa langit:...”

Bro. Eli Soriano:

Diyan naman tinapay Siya. Pagka pinagsamasama mo lahat yang mga 

pinagsasabi ni Cristo at hindi mo kukunin ang kahulugan, maliligaw ka, kapatid. Sa kabila tinapay Siya, sa kabila uod Siya, sa kabila Siya naman ay ilaw, doon naman sa kabila bato naman Siya. Batong matigas. Kita mo? Maraming simboliko si Kristo. Pero noong sabihin Niya iyong nasa Juan 8:40-- “...ngayo’y pinagsisikapan ninyo akong  patayin, na taong sa inyo’y nagsasaysay ng katotohanan.” Alin ba iyong tao riyan, na pinagsisikapang patayin ng mga Hudyo? Alin ba iyong tao riyan na pinapatay ng mga Hudyo? Pakinggan mo sa Mateo 10:28 ganito ang ating mababasa--

Bro. Rolan Ocampo:

Mateo 10: 28

“At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwa’t—”

Bro. Eli Soriano:

Pinagpipilitang mapatay iyong  katawan. Alam mo ang tao, kung pumatay 

ng kapuwa, ang napapatay mo lang naman iyong katawan. Kaya ang sabi ni Cristo, “pinagsisikapan ninyo akong patayin na taong nagsasaysay ng katotohanan”. Ang pinapatay nila iyong katawan. Talaga namang tao iyon. Nagkatawang tao Siya. Sabi ng Biblia, 

Juan 1:14

“Nagkatawang tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin(at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan.”

Si Cristo pala nagkatawang tao, pero hindi Siya talaga tao. Nagkatawang tao nga lang. Alin iyong tao? Iyong katawan. Nagkatawang tao. Iyong tao, katawan. Iyong katawan ng tao… Halimbawa, nagkatawang kalabaw… Ano iyong  kalabaw? Iyong katawan.  Ganoon iyon.  Parang iyong lalaki, nag damit babae… babae ba talaga? Nag damit babae lang pero lalaki iyon.