Tungkol sa Ang Dating Daan

Pulong ng mga kapatid kausap ang kapatid na Eli

Ang ‘Ang Dating Daan’ (The Old Path) ay isang programang pangrelihiyon na unang narinig sa radyo sa Pilipinas noong 1980. Ang pangunahing layunin ng programa ay madala sa mga tao ang totoong aral ng Dios at masagot ang kanilang mga katanungan tungkol sa Biblia at sa pananampalataya. Sa loob ng 40 taong pagsasahimpapawid, ito ngayon ay kinikilala bilang “longest-running religious program” sa bansa at naging kilala bilang tanging programa na ang pangangaral ay istriktong nakabatay lamang sa Biblia. Gamit ang mga makabagong teknolohiya at iba’t ibang paraan sa pagbo-brodkast, ang programa ay maririnig na ngayon sa maraming bansa sa mundo gamit ang iba’t ibang lenggwahe: The Old Path (Ingles), El Camino Antiguo (Espanyol), O Caminho Antigo (Portuges), at marami pang iba.

History & Broadcast Milestones

Pulong ng mga kapatid kausap ang kapatid na Eli

Sa pamamahayag ng Banal na Kasulatan, 14 na taong nagbayan-bayan si Bro. Eli upang magsagawa ng mga Bible Study. Bagama’t walang humpay sa pangangaral sa iba’t ibang siyudad at probinsiya, napagtanto ni Bro. Eli na wala pang ikawalong bahagi (one-eighth) ng populasyon ng bansa ang naabot ng kaniyang pangangaral. Sa layuning marating ang mas maraming mga tao, sinimulan ni Bro. Eli ang pangmalawakang brodkast, at dito na nga inilunsad ang programang Ang Dating Daan.

Tuklasin kung saan na nakarating ang Ang Dating Daan sa pangangaral nito ng mga salita ng Dios sa loob ng 40 taon, gayon din ang mga inobasyong pinasimulan ng programa sa radyo, telebisyon, satellite, at Internet.

Mga Host ng Ang Dating Daan

Bro. Eli Soriano

Kilalanin ang isa sa Ang Dating Daan hosts — si Bro. Eli Soriano na isang award-winning international televangelist at siyang Lingkod Pangkalahatan ng Members Church of God International. Sa apat na dekadang walang humpay at masikhay na pangangaral ng mga salita ng Dios, si Bro. Eli ang mangangaral na pinakamatagal nang nangangaral sa radyo at telebisyon sa Pilipinas. Katumbas ng pangalang Bro. Eli ay ang tanyag na salitang ‘Basa!’ dahil walang turo na lumalabas sa kaniyang bibig na hindi binabasa sa Biblia. Nakilala rin siya sa walang paligoy-ligoy o prangkang pagsasalita na sa iba ay naging parang mabigat lalong-lalo na sa mga bagong tagapakinig. Ganunpaman, ang mga patuloy na sumusubaybay ay kalaunang napapagtanto na ang paraang iyon ay nagpapakita ng katapatan sa pagsasalita at pag-ibig sa mga dinadalhan ng mabuting balita ng Dios.

BASAHIN ANG BUONG ARTIKULO

Bro. Daniel Razon

Beterano sa larangan ng pagbo-brodkast, si Bro. Daniel Razon ang pangunahing katulong ni Bro. Eli sa pagtataguyod ng Ang Dating Daan. Siya ang naging kauna-unahang direktor ng programa samantalang siya ay nasa high school pa lamang. Naging inspirasyon sa kanya si Bro. Eli at ang programa upang maging isang brodkaster. Tinitingalang pangalan ngayon sa larangan ng pamamahayag at serbisyo publiko sa Pilipinas, si Bro. Daniel ang pinakabatang tumanggap ng prestihiyosong Lifetime Achievement Award mula sa KBP o ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas.

BASAHIN ANG BUONG ARTIKULO